Tuesday, September 18, 2018

8-ANYOS NA BATANG BABAE GINAHASA UMANO NG TIYUHIN SA KALIBO; SUSPEK ARESTADO

HIMAS RIHAS ngayon ang isang lalaki makaraang ireklamo ng panggagahasa sa menor de edad na pamangkin sa bayan ng Kalibo umaga ng Lunes.

Ayon sa ina ng walong taong gulang na bata, pinasok di umano ng suspek ang bata sa banyo habang naliligo at doon umano ito pinagsamantalahan.

Wala umano ang ina sa bahay nong mga oras na iyon dahil namalengke samantalang ang ama ay abala sa kanilang karenderya ilang metro pa ang layo sa bahay.

Unang nagsumbong sa ina ang apat na taong gulang na babae na kapatid ng biktima na siyang nakasaksi sa nangyari. Inamin naman ito ng biktima sa ina.

Agad nagsumbong ang mag-ina sa kapulisan at inaresto ng pulis Kalibo ang 40-anyos na suspek habang nasa trabaho sa isang construction site.

Mariin namang pinabulaanan ng suspek ang nasabing alegasyon ng ina. Inamin niya na malapit siya sa bata pero hindi umano niya magagawa ang paratang sa kanya.

Nabatid na hiwalay sa live-in partner ang lalaki na tubong Malinao at kasalukuyang nakatira sa Kalibo. Minsan narin siyang nakulong sa kasong murder pero pinalaya rin matapos madismiss ang kaso.

Hinihintay nalang ng Women and Children Protection Desk ng Kalibo PNP ang resulta ng medico legal habang patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment