Friday, September 21, 2018

KALIBO VICE MAYOR REGALADO KINUMPIRMA ANG PAGTAKBO BILANG MAYOR

KINUMPIRMA NGAYON ni Kalibo Vice Mayor Madeline Regalado na tatakbo siya sa pagka-Mayor sa 2019 election kaya hindi umano totoo ang usap-usapang Board Member ang tatakbuhan niya.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ng three-termer vice mayor na magiging running mate niya si ngayon ay Kalibo first councilor Cynthia Dela Cruz.

Tumanggi munang sabihin ng opisyal ang partido na tatakbuhan niya at mga makakasama kabilang si first termer Sangguniang Bayan member Buen Joy French na nagkumpirma naman ng pagpapa-reelect.

Malalaman umano ang iba pang makakasama niya at ang kanilang magiging partido kapag nakapaghain na sila ng certificate of candidacy halos isang buwan na lang ngayon.

Si Regalado ay kapartido ni Kalibo Mayor William Lachica na kapatid ni Kalibo Engineering Office head Engr. Emerson Lachica na tatakbo rin sa pagka-Mayor.

Sa kabila ng komplektong ito, sinabi ni Regalado na buo na ang kanyang pasya na tumakbo sa pagka-alkalde bagaman ang suporta ni Mayor Lachica ay sa kanyang kapatid.

Paniwala ng Vice Mayor na patunay lamang na ang 15 taon niyang paglilingkod na suportado siya ng taumbayan. Ipagpapatuloy umano niya ang paglilingkod sa mga Kalibonhon.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment