Ginigipit umano ng pamahalaang lokal ng Kalibo ang STL Panay Resources Ltd sa kanilang dredging project ayon sa isang kinatawan nito.
Ito ang reklamong ipinadala ni Pablo Ocampo sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Presidential Complaint Center.
"Kami po ay ginigipit ng mayor ng Kalibo, bagama't kumpleto po ang aming mga documents upang makapag-umpisa ng dredging," bahagi ng kanyang sulat-reklamo.
Kaugnay rito, humihingi ng agarang solusyon ang kanilang kompanya kay Duterte upang matuloy anila ang kanilang pag-dredge sa Aklan river.
Kinuwestiyon naman sa isa pang sulat ng STL ang jurisdiction ni mayor William Lachica sa pagpapahinto ng kanilang proyekto base sa inilabas niyang executive order.
Pirmado naman ni Patrick Lim, managing director ng STL, ang sulat na ito sa Pangulo.
Ipinagtataka rin nila kung ano pang mga dokumento ang hin
ahanap ng LGU Kalibo gayung ibingay na umano nila lahat.
Sa kabilang banda, nanindigan naman si mayor Lachica na hindi siya kontra sa dredging project sa kondisyon na malagyan ng revetment wall ang gilid ng ilog.
Inirefer na ng Presidential Complaint Center ang kaso sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Samantala inihahanda na umano ni mayor Lachica ang kanyang sagot sa reklamo address sa tanggapan ni Duterte./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment