ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Hangad ng Aklan Provincial Health Office (PHO) na simula sa
susunod na taon ay maging smoke-free na ang pagdiriwang ng Ati-atihan sa
Kalibo.
Sa mga susunod na linggo ay sisimulan na ng lokal na
pamahalaan ng Aklan ang malawakang kampanya kontra sa pagbebenta,
pag-aadvertise at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Sinabi ni
Sangguniang Bayan member Cynthia Dela Cruz na posibleng sa Marso ay istrikto na
nilang maipatupad ang anti-smoking ordinance.
Samantala, sa buwang ito ay sisimulan narin ng PHO ang
pag-iire ng kanilang anti-smoking TV ads sa provincial TV at mga cable TV. Sinabi
ni Luces na kauna-unahan umano ito sa buong rehiyon.
Ipipi-feature sa ads na ito ang kuwento ng dalawang Aklanon
na biktima ng paninigarilyo, mga lokal na opisyal at ang ang kanilang
paghikayat sa taumbayan na itigil na ang paninigarilyo.
Hangad rin ng PHO na maging smoke-free ang buong probinsiya.
Napag-alaman kay provincial officer II Victor Santamaria na sa walong munisipyo
sa lalawigan na nakapagpasa ng ordenansa, ang Ibajay at ang Buruanga palang ang
maituturing na 100 percent smoke-free town.
No comments:
Post a Comment