ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Mag-ingat sa mga laslas bag, bulsa gang!
Isang 13-anyos na babae ang posibleng biktima ng laslas bag
gang s
a kasagsagan ng Kalibo Ati-atihan Festival umaga ng Sabado.
Salaysay ng biktimang si Jessamin Yrra Dela Vega, residente
ng Toting Reyes st., Brgy. Andagao, Kalibo, nagulat na lang umano siya nang
mapag-alamang nawawala na ang kanyang cellphone at passbook na nakalagay sa
loob ng kanyang knapsack.
Dito niya napag-alaman na nilaslas ang kanyang bag dahilan
para makuha ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang mga gamit. Maswerete
naman anya na hindi nakuha ang kanyang wallet na nasa loob din ng parehong bag.
Ayon pa sa biktima, posible umanong nangyari ito dakong
alas-11:00 ng umaga habang nasa kahabaan siya ng Veterans Avenue sa bayan ng
Kalibo partikular sa may Kalibo Elementary School habang nanonood ng sadsad.
Hindi umano niya namalayan ang pangyayari at nakalayo na sa
lugar bago niya napag-alaman ang naturang insidente.
Minabuti niya itong iparekord sa Kalibo police station
habang ang kaso ang ini-refer sa theft and robbery section ng pulisya para sa
posibleng imbestigasyon.
No comments:
Post a Comment