NI PEACH LEDESMA, ENERGY FM 107.7 KALIBO
Naitala ang pinaka-maraming kaso ng dengue sa bayan ng Kalibo.
Ayon sa inilabas na datos ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit, umaabot sa 315 ang naitalang kaso ng nasabing sakit sa nasabing bayan.
Sinundan ito ng Malay na may 140 cases, Banga na may 112, Numancia na may 105, at Ibajay na may 104 cases.
Isang anim na taong gulang na bata mula sa bayan ng Malay ang binawian ng buhay dahil sa dengue.
Nakasaad din sa nasabing datos na nalikom mula Enero 1 hanggang Nobyembre 2 ng taong kasalukuyan na lahat ng mga munisipaldiad sa probinsya ng Aklan ay apektado ng nasabing sakit na dala ng lamok.
Umaabot na sa kabuuang 1,492 cases ang naitatala sa buong probinsya, na mas mataas ng 58 percent sa 946 cases na naitala noong January 1 hanggang November 2 2015.
Pinaiigting naman ng Aklan Provincial Health Office ang kanilang preventive measures at information drive upang mapigilan at makontrol ang pag-kalat ng nasabing sakit lalo na ang pag-hikayat sa mga mamamayan na ugailiin ang “4 o’clock habit” na programa ng Department of Health laban sa dengue.
Samantala, nakatakda ding magsagawa ng pag-a-upgrade sa status ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital kung saan mula sa pagiging licensed blood station ay gagawin itong isang blood bank facility upang hindi na mahirapan ang mga nangangailangan na maghanap pa ng kinakailangan na dugo lalo na sa mga emergency cases.
No comments:
Post a Comment