INALIS NA ng Department of Environment and Natural Resources ang suspensiyon ng Environmental Compliance Certificate sa Boracay.
Base ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 2018-14 ng Kagawaran araw ng Biyernes kaugnay ng takdang pagbubukas ng Isla sa Oktobre 26.
Inatasan rito ni DENR Sec. Roy Cimatu ang Environmental Management Bureau Regional Office 6 na alisin ang suspensyon ng ECC sa lahat ng complying hotels and establishment sa Isla.
Mababatid na nagsimula ang suspensiyon ng ECC sa Boracay buwan ng Hulyo sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2018-03 para suriin ang compliance ng mga establisyemento.
Sa kabila ng lifting, sinabi ni Cimatu na magpapatuloy ang pagrereview ng binuong komitiba sa mga ECC at Environmental Management Plans ng mga establiahments at ang pagsusumite ng report sa kanya.
Magpapatuloy rin umano ang kanilang pagsusuri sa mga Certificate of Non-Coverage (CNC).
Ang mga ito ay para masiguro umano na sumusunod sa mga environmental laws ang mga establisyemento at na walang nang mga paglabag.##
-Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment