Monday, October 08, 2018

45 anyos na Lalaki sa Batan, sinaksak patay!

Patay ang 45 anyos na lalaki matapos saksakin ng kapitbahay. Kinilala ang biktima sa pangalang Rizal Venus, taga sitio Agsam brgy. Camaligan, Batan, Aklan.

Kinilala naman ang suspek sa pangalang Christopher Dalida 35- anyos, residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Pulisya. Kinumpronta raw ng biktima ang suspek dahil sa hindi magandang asal nito sa kanyang misis.

Mag aalas sais kagabi, dinalhan raw ng misis ng biktima ang suspek ng ulam, pero sa halip na pasalamatan nagalit raw ito at hinampas siya ng kawayan.

Nang malaman ng mister ang pangyayari agad itong sumugod sa bahay ng suspek para kumprontahin ito.
Agad raw bumunot ng kotsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima.

Naisugod pa sa pribadong hospital ang biktima pero ideneklarang dead on arrival.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan follow up operation ng Batan PNP.

No comments:

Post a Comment