Monday, October 08, 2018

MAYOR NG NABAS NAGDRIVE NG AMBULANSIYA MULA NABAS PATUNGONG KALIBO

NAKUNAN NG larawan ang pagtulong ni Nabas Mayor James Solanoy sa isang pasyenteng na-stroke matapos siya mismo ang magdrive sa ambulansiya madaling araw ng Biyernes.

Nabatid na, pasado ala-1:00 ng madaling araw ay nasa munisipyo pa sya nang dumating ang pamilya dala ang kanilang pasyente na inatake umano ng stroke.

Siya umano ang nagdrive ng ambulansiya mula sa munisipyo ng Nabas patungo sa isang pribadong ospital sa Kalibo sakay ang pasyente.

Mababatid na naibalita rin ang paglilingkod ng alkalde nang siya rin ang nagdrive ng ambulansiya sakay ang manganganak na na Ati.

Ayon kay Mayor Solanoy siya aniya ang nagdridrive palagi kapag pagod na ang kanilang driver.##

No comments:

Post a Comment