Saturday, September 08, 2018

24-ANYOS NA LALAKI ARESTADO MATAPOS MAG-SHOPLIFT SA KALIBO

ARESTADO ANG lalaki na ito makaraang mang-shoplift sa isang establiyemento sa Kalibo gabi ng Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Rodmar Dalid, 24-anyos, residente ng Brgy. Tigayon, Kalibo.

Nakuha sa kanya ang dalawang blouse, dalawang sombrero, isang pares ng tsinelas at isang damit panlalaki.

Nahuli ng mga guwardiya ang nasabing lalaki na hindi dumaan sa counter. Isinilid niya ang mga items sa bag at hindi pa nababayaran.

Ikinulong sa Kalibo PNP station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment