Monday, September 03, 2018

LALAKI NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG ALTAVAS

ISANG LALAKI ang natagpuang patay sa isang sapa sa Brgy. Tibiao, Altavas umaga ngayong Lunes.

Kinilala sa report ng Altavas PNP ang biktima na si Ronaldo Perez, 58 anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PO3 Tonidey Laos, wala umanong palatandaan ng foul play sa pagkamatay ng biktima batay sa inisyal nilang imbestigasyon.

Sinasabing nahulog ang lalaki sa bangin na may taas na 15 talampakan. Posible umanong nawalan ito ng malay at nalunod.

Nakagawian na umano ng lalaking ito na sa pagitan ng alas-4:00 at ng alas-5:00 ng madaling araw ang magpastol ng baka o maghanap ng gulay.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment