Saturday, September 08, 2018

LALAKI ARESTADO SA MAKATO MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL SA CHECKPOINT

ARESTADO ANG isang lalaki sa Brgy. Tina, Makato gabi ng Byernes matapos mahulihan ng baril sa checkpoint.

Sa inisyal na report ng kapulisan, kinilala ang suspek na si Louie Tarusan Macavinta ng Brgy. Carugdog, Lezo.

Nabatid na nais sanang takasan ng suspek ang checkpoint habang sakay ng kanyang motorsiklo pero hinabol siya ng mga kapulisan.

Ang checkpoint ay isinagawa ng Provincial Mobile Force Company, Highway Patrol Group, Makato PNP, at Trackers Team.

Nakita umano ng kapulisan na isang uri ng armas ang kanyang itinapon sa gilid ng kalsada. Naabutan naman siya ng mga kapulisan.

Nasabat ng mga kapulisan ang isang M1 carbine kasama ang dalawang magazine na may mga lamang bala.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek sa Energy FM Kalibo.

Nakakulong na siya ngayon sa Makato Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

No comments:

Post a Comment