Friday, July 06, 2018

MOTOR VS. TRISIKAD SA POOK KALIBO, SA SUGATAN

Sugatan ang lalaking ito matapos madisgrasya sa menemanehong motor sa highway sa Brgy. Pook, Kalibo hapon ngayong Byernes.

Kinilala ang biktima na si Jeonel Bolador, 28, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng Kalibo PNP, bumangga ito sa isang pedicab (trisikad) dahilan para matumba sa sementadong kalsada.

Napag-alaman ng News Team na nakainom ang biktima. Confine ito sa provincial hospital.

Hindi naman nasugatan ang driver ng trisikad na si Joey Zubiaga, 55, ng parehong barangay.

No comments:

Post a Comment