Saturday, July 07, 2018

WING VAN NA MAY KARGANG MGA BEER NADISGRASYA SA PUNO SA BAYAN NG MAKATO

Naaksidente ang wing van na ito sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Mantiguib, Makato gabi ng Sabado.

Nabatid na nahagip ng sasakyan ang puno at natapon ang mga karga nitong kahon kahong beer. Nabatid rin na nakainom ang driver.

Ligtas ang driver at ang pahenante. Nagkalat naman sa kalsada ang mga bote ng beer at marami ang nabasag.

Nasa lugar na ang kapulisan para tumulong at magsagawa ng imbestigasyon.

No comments:

Post a Comment