Saturday, July 07, 2018

ISANG AKLANON KANDIDATA SA MISS FILIPINA INTERNATIONAL SA CALIFORNIA

Isang 23-anyos na Filipina na may dugong Aklanon ang kalahok ngayon sa 2018 Miss Filipina International pageant.

Si Claris Rivera na taga-California ay apo ni Luz Tumbagahan ng Tangalan, Aklan pero lumaki na sa ibang bansa kasama ang kanyang mga magulang.

Gaganapin ang coronation sa Hulyo 28 sa Los Angeles, California kung saan 20 kandidata mula sa iba-ibang bansa.

Sila ay magpapakitang-gilas sa parade of national costumes, swimsuit competition, evening gown portion.

Si Claris ay nagtapos ng Bachelors degree in Civil Engineering. Ito umano ang unang sabak niya sa ganitong kompetisyon.

Kapag manalo unano siya dito, isusulong niya ang edukasyon at promosyon ng turismo ng Pilipinas.

Humihingi ngayon ng boto sa social media si Claris para sa award sa kategoryang ito. Maaaring bumoto sa instagram at sa facebook ng nasabing pageant.

Ang Miss Filipina International ay dating Binibining Pilipinas USA. Kasabay rin dito ang 2018 Miss Filipina Teen International kung saan magtatagisan ang 14 kandidata. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment