Friday, July 06, 2018

PERA SA DONATION BOX NG SIMBAHAN NINAKAW, SUSPEK NAHULI SA AKTO NG GWARDIYA

Dinala ng gwardiya sa police station ang menor de edad na lalaking ito matapos dukutin ang laman ng donation sa box sa simbahan ng Katoliko alas singko ng hapon ngayon.

Ayon sa gwardiya ng simbahan sinungkit raw ng suspek ang laman ng donation box at nakita niya ito sa akto kaya inaresto niya at dinala sa PNP Station.

Nasa pangangalaga na ng Womens and Children's protection desk ang lalaki.// Archie Hilario, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment