Friday, September 15, 2017

KOTSE BUMANGGA SA POSTE SA BAYAN NG KALIBO

Ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Bumangga sa poste ng Akelco sa Osmeña Avenue ang sasakyan na ito.

Naganap ang aksidente bandang 11:53 ng gabi. 

Kinilala ang driver na si Mesitlie Teruel y Aguilar, 59 anyos, na taga-Poblacion, Banga, Aklan at dalawa pang hindi nakikilalang lalaki na nakainom raw ayon sa PNP.

Base sa pag-usisa ng PNP ang Hyundai SUV na ito ay nakarehistro sa pangalan ni Edmund Peralta ng New Washington, Aklan.

No comments:

Post a Comment