Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Humirit ng mababang tax sa mga real properties ang mga
dumalo sa isinagawang public consultation ng Sangguniang Bayan ng Kalibo
hinggil sa isinusulong na tax ordinance ng probinsiya.
Karamihan sa mga dumalo ang nagkasundo sa 10 porsyentong
pagtaas sa market value bawat taon sa loob ng limang taon saka ito muling
babaguhin.
Ang proposal na ito ay para sa market value ng lupa sa first
class municipality. Hindi napagkasunduan sa nasabing konsultasyon kung ilan ang
hirit nilang porsyento sa assessment level ng mga real properties.
Ito ang isinusulong na schedule of market value ng
pamahalaang lokal ng Aklan para sa 1st, 2nd at 3rd
class residential, commercial at industrial land sa bayan ng Kalibo:
|
Residential Land
|
Increase in Tax Due
|
Commercial Land
|
Increase in Tax Due
|
Industrial Land
|
Increase in Tax Due
|
1st class
|
P4800
|
445%
|
P10500
|
310%
|
P10000
|
357%
|
2nd class
|
P3500
|
338%
|
P8500
|
|
P8100
|
311%
|
3rd class
|
P2500
|
291%
|
P6500
|
|
P5800
|
|
Ang mga opinyon at mga suhestiyon ng mga dumalo sa
konsultasyon ay isasama sa resolusyon ng Sanggunian ng Kalibo na ipapasa sa
Sangguniang Panlalawigan para sa kanilang konsederasyon.
Nilinaw naman nina SB member Daisy Briones at Mark Vega
Quimpo na silang nanguna sa konsultasyon, ang huling desisyon ay nasa
Sanggunian parin ng probinsiya./EFMK
No comments:
Post a Comment