Tuesday, March 26, 2019

Truck nawalan ng preno nahulog sa bangin sa Nabas; 3 sugatan

contributed photos
SUGATAN ANG driver at dalawang pahenante matapos mahulog ang sinasakyan nilang truck sa bangin sa Tulingon, Nabas kaninang hapon.

Nagtamo ng mga sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang driver na si Noel Abello, 60-anyos, residente ng Camanci Sur, Numancia; at mga pahenante na sina Oliver Villegas, 33, ng Brgy. Andagao, Kalibo at Benjie Villanueva, 23, ng Oyotorong St., Kalibo.

Ayon sa driver nawalan umano ng preno ang menamaneho niyang truck na may mga kargang buhangin na dadalhin sana sa bayan ng Malay mula sa bayan ng Kalibo.

Nabatid na may isang motorsiklo ang kanilang nahagip mula sa kabilang direksyon bago nahulog sa bangin.

Naka-confine ngayon sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang tatlo habang nananatili sa lugar ang nasabing truck.

Iniimbestigahan rin ng Nabas PNP ang naturang aksidente.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment