Monday, February 11, 2019

Lalaking natagpuang patay sa Ibajay nakitaang may sugat dulot ng pagbaril


Natagpuang patay at may sugat sa dibdib dulot ng pagbaril ang isang 53- anyos na lalaki sa Regador Ibajay, Aklan, kahapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang Luvimin Perucho ng Sitio atason, Naisud, Ibajay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP sa kasunod na Barangay nakita ang bangkay, sa mabangin na bahagi ng sitio Itigban Regador, may kalayuan sa tirahan ng biktima.

Narecover din ng pulisya sa lugar ang isang baril.

Magpapatuloy pa raw ang imbestigasyon  ng PNP para matukoy kung binaril ba ang biktima o nagsuicide ito.##

No comments:

Post a Comment