Thursday, February 14, 2019

Aklanon pasok sa grand final ng WISHcovery singing contest


PASOK SA grand final ng Wish FM 107.5  WISHcovery singing contest ang isang Aklanon na si Tweetie Grace Salas ng Brgy. Poblacion, Kalibo.

Si Tweetie ay personal na pinili ng singer at song writer na si Noel Cabangon matapos ang ilang elimination rounds at showdown.

Hindi lamang Aklan kundi buong Panay Island ang kakatawanin ni Ms. Salas laban sa pito pang grandfinalist mula sa Central at North Luzon, South Luzon, Cebu, Caraga Region, Davao Region, National Capital Region at pinoy talent mula sa United State of America.

Gaganapin ang grand final night sa Pebrero 26 sa Smart Araneta Coliseum.

Bago rito, may pa-home concert si Ms. Salas sa Pebrero 16 sa SM City Southpoint, Iloilo City kasama si Noel Cabangon bilang pasasalamat sa kanyang mga supporters.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment