Saturday, October 20, 2018

HENANN HINILING SA DENR NA PAYAGAN MAG-OPERATE KAHIT HINDI PA ACCREDITED

TINANGGIHAN NG Department of Environment and Natural Resources o DENR ang hiling ng Henann Group of Resorts sa Isla ng Boracay na mag-operate kahit hindi pa accredited.

Ayon kay DENR USec. Benny Antiporda, hiniling umano ng may-ari na si Henry Chosuey na payagan silang mag-operate habang ikino-comply palang nila ang mga dokumento para sa accreditation.

Nahaharap ngayon sa kontrobersiya at imbestigasyon ang group of resorts dahil sa pagsusumite ng pekeng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Department of Tourism (DOT).

Mababatid na sa inilabas na 68 accredited accomodation establishment sa Boracay ng Department of Tourism, hindi kasama rito ang alinman sa limang resort ng Henann.

Ayon kay Antiporda, kinausap umano niya ng personal ang tauhan ng Henann na nagsumite ng pekeng ECC. Paliwanag umano nito, na-excite lang siya nang makita ang ECC sa kanyang mesa at agad ipinasa sa DOT para mabigyan na ng akreditasyon.

Nabatid na handwritten lamang ang petsa sa ECC kesa sa karaniwan na itinatatak. Humingi naman umano ng paumanhin ang tauhang ito ng Hennan.

Aniya wala pa umanong Sewerage Treatment Plant ang group of resorts. Ipagpapatuloy pa ng Inter-Agency Task Force ang imbestigasyon sa kaso titingnan kung mayroon din silang pagkukulang.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan/ Energy Fm 107.7 Kalibo

No comments:

Post a Comment