Huwag pansinin. Ito ang tugon ni Department of Environment and Natural Resources USec. Benny Antiporda sa petisyong kumakalat ngayon sa Isla ng Boracay.
Sa isang press conference umaga ng Biyernes, sinabi ni Antiporda hindi umano nila kinikilala ang mga nagrereklamong non-compliant establishment bilang mga stakeholders sa Boracay.
Binigyang diin ni Antiporda na sumunod nalang ang mga ito sa ipinatutupad na batas dahil nagawa rin naman ng iba na sumunod at maging compliant.
Nabatid na bumuo na ng organisasyon ang mga compliant establishment sa Boracay para may kumatawan sa mga pagpupulong ng Boracay Inter-Agency Task Force.
Mababatid na kumukalat ngayon sa social media ang umano'y petisyon na nanawagan sa lokal na pamahalaan na tutulan ang ilang patakarang ipinatutupad ng Task Force.##
No comments:
Post a Comment