Showing posts with label USec. Benny Antiporda. Show all posts
Showing posts with label USec. Benny Antiporda. Show all posts

Saturday, October 20, 2018

HENANN GROUP OF RESORTS NAGBOOK NA NG MGA TURISTA KAHIT HINDI PA COMPLIANT AYON SA DENR

NALAMANG NAGBO-BOOK na ng mga turista ang Henann Group of Resorts sa Isla ng Boracay sa kabila na hindi pa ito accredited ng Department of Tourism.

Ito ang pinahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) USec. Benny Antiporda sa isang press conference umaga ngayong Biyernes sa Isla.

Ayon kay Antiporda, hawak na nila ang reklamo ng turista na nagbook sa nasabing resort sa pamamagitan ng Agoda. Aniya ayaw umanong ibalik ng resort ang perang ibinayad ng turista.

Mahigpit ang panawagan noon ng Inter-Agency Task Force na tanging ang mga compliant establishments lamang sa Isla ang maaaring magbook ng mga turista.

Sa pinakahuling listahan na inilabas umabot na 68 accommodation establishment ang accredited ng DOT. Hindi kasama rito ang alinman sa limang resort ng Henann.

Kamakailan lang ay nabisto ng Inter-Agency Task Force na peke ang isinumiteng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa Department of Tourism (DOT) para sa accreditation.

Ayon kay Antiporda wala pang Sewerage Treatment Plant ang group of resort, isang requirement para mabigyan sila ng panibagong ECC.

Nanawagan ngayon si Antiporda sa iba pang mga turista na nagbook at nagbayad sa mga resort ng Henann na magreklamo sa Inter-Agency Task Force.

Una nang nagbabala ang Task Force na ang mga non-compliant establishment na malalamang nagbo-book ng mga turista ay posibleng maharap sa kaukulang penalidad.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan/ Energy Fm 107.7 Kalibo

DENR: HUWAG PANSININ ANG PETISYON NA TUMUTUTOL SA MGA PATAKARANG IPINATUTUPAD NG BORACY INTER-AGENCY TASK FORCE

Huwag pansinin. Ito ang tugon ni Department of Environment and Natural Resources USec. Benny Antiporda sa petisyong kumakalat ngayon sa Isla ng Boracay.

Sa isang press conference umaga ng Biyernes, sinabi ni Antiporda hindi umano nila kinikilala ang mga nagrereklamong non-compliant establishment bilang mga stakeholders sa Boracay.

Binigyang diin ni Antiporda na sumunod nalang ang mga ito sa ipinatutupad na batas dahil nagawa rin naman ng iba na sumunod at maging compliant.

Nabatid na bumuo na ng organisasyon ang mga compliant establishment sa Boracay para may kumatawan sa mga pagpupulong ng Boracay Inter-Agency Task Force.

Mababatid na kumukalat ngayon sa social media ang umano'y petisyon na nanawagan sa lokal na pamahalaan na tutulan ang ilang patakarang ipinatutupad ng Task Force.##