Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Naging mapayapa at maayos ang pagdiriwang ng Opening Salvo ng Kalibo Ati-atihan 2018 araw ng Huwebes (Oct. 19).
Ito ang sinabi ni Boy Ryan Zabal, tagapagsalita ng Kalibo Sto. Niño Ati-atihan Festival, Byernes ng umaga sa panayam ng Energy FM Kalibo.
Gayunman sinabi ni Zabal na may ilan paring pasaway na nagdadala ng mga de-boteng inumin. May mga ilan umano na pinahinga na muna pansamantala dahil sa sobrang kalasingan.
Pinuna rin niya ang malabong mga ilaw sa paligid ng Kalibo Pastrana Park at maging sa mga “sadsad route” sa mga pangunahing lansangan sa paligid nito.
Nagpapasalamat naman siya sa suporta ng lokal na pamahalaan ng Kalibo at ng probinsiya, mga kapulisan, Philippine Army, mga rescue group, mga sponsor at iba pang stake holder.
Ayon kay Zabal, 50 tribo ang lumahok sa nasabing aktibidad na hindi nagpaawat sa buhos ng ulan. Ang bilang umanong ito ang pinakamarami sa kasaysayan ng festival.
No comments:
Post a Comment