Nakilala na ng mga kapulisan ng Boracay ang Chinese National na nagbebenta ng mga pekeng gadget sa nasabing isla.
Kinilala ito na si Yuzhuan Wang, 55-anyos, base sa kanyang pasaporte.
Narekober sa kanya ng mga kapulisan ang umano’y tatlong pekeng mga brand ng laptop.
Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center, sasabihin umano niya sa kayang mabibiktima na natalo siya sa casino at kailangang-kailangan niya ng pera.
Magmamakaawa umao ang nasabing foreign national na bilhin ang kanyang mga laptop sa kasing baba ng Php10,000.
Una nang nagbabala ang mga kapulisan sa Boracay kaugnay ng nasabing modus kasunod ng ilang reklamong natanggap nila mula sa mga nabiktima.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng mga kapulisan ang pagharap ng mga biktima para kilalanin ang nasabing suspek para sampahan ng kaukulang kaso.
Nanawagan ang mga kapulisan na kung sino man ang nabiktima ng foreigner ay dumulog lamang sa tanggapan ng BTAC.
No comments:
Post a Comment