Tuesday, October 24, 2017

ISA TINAGA, ISA HINAMPAS NG BASTON SA AWAY NG MAGKAKAPATID SA BAYAN NG MALINAO

Parehong sugatan ang magkakapatid na ito matapos mag-away sa Brgy. Cabayugan, Malinao kagabi.
Ang mga ito ay sina Lardy at Lario Berdandino.

Umuwi umano ng bahay si Lario, 24 anyos, lasing at pinagtataga ang dingding ng bahay.

Nang sitahin ito ng kuyang si Lardy, 33, ay tinaga siya ng kapatid na tumama sa kanyang ulo.

Hinampas naman ng baston ng kuya ang kanyang kapatid at natamaan rin sa kanyang ulo.

Pinag-agawan pa umano nila ang itak na bitbit ni Lario at nagpagulong-gulong sa lupa.

Parehong confine sa provincial hospital.

No comments:

Post a Comment