Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
photo by FFF |
Ikinadismaya ng isang Friend of the Flying Foxes (FFF) ang
pag-bulldozed sa isang bahagi ng gubat sa Puka Shell, brgy. Yapak sa isla ng
Boracay.
Sa isang facebook post, pinahayag ng FFF na ang
pag-bulldozed sa lugar ay ang pagkasira rin ng sentrong tirahan ng mga paniki
na pinangangambahan nang maubos sa isla.
Dismayado sila sa umano’y kakulangan ng pagpapatupad ng
batas ng pamahalaan at kawalang galang ng iba sa kalikasan.
Ayon sa kanila, ang lugar na nabili ng Mabuhay Miles, sister
company ng Philippine Airline, ay na-bulldozed nang walang kaukulang permit o
clearance mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Iginiit pa ng grupo na ang lugar ay isang no-building zone
at pinamumuguran ng mga paniki na dapat anyang protektahan ng batas at ipatupad
ng lokal na pamahalaan.
Nanawagan ang FFF sa mga kinauukulan at sa iba pa na
ipatupad ang 200 meter buffer zone sa pinakamlapit na roost site para hindi
sila maapektuha.
Ang bagay na ito ay nakasaad umano sa umiiral na
Environmental Compliance Certificate sa nasabing lugar.
Ang FFF ay isang grupo ng mga wildlife enthusiast sa
pangangalaga ng mga paniki kabilang na ang flying foxes o fruitbats.
No comments:
Post a Comment