ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Naniniwala ang isang opsiyal na may halong pamumulitika ang
naging desisyon ng mayorya sa dismissal ng administrative case ni New
Washington Sangguniang Bayan member Hazel Bautista.
Diskuntento si Sangguniang Panlalawigan member Harry Sucgang
sa naging desisyon ng plenaryo sa kaso sa nakalipas na sesyon kung saan
naka-leave siya.
Nais ni Sucgang na ibalik ang nasabing ground na una nang
iminungkahi ng special committee kasunod ng mabusising pag-aaral sa kaso kung
saan miyembro siya.
Nanindigan ang board member na malaking puntos ito sa
dismissal ng kaso kasama ang isa pang ground na application of condonition
doctrine.
Nang maungkat ito sa regular sesyon ng Sangguniang Panlalawigan
ay nagsagutan sila ng presiding officer.
Kinontra ni vice governor Reynaldo Quimpo si Sucgang na wala
na siyanng magagawa dahil napagdesisyunan na ito ng mayorya at hindi na pwedeng
ibalik sa komitiba taliwas sa hinihingi ng board member.
Nakatakda namang maghain ng dissenting motion si Sucgang
para isasama sa naging desisyon ng plenaryo.
Si Bautista ay inireklamo ng kanyang constituent dahil sa
umano’y anomaliya sa pamamahagi sa pondo na inilaan sa mga biktima ng bagyong
Yolanda.
No comments:
Post a Comment