Monday, June 19, 2017

LALAKI ARESTADO MATAPOS BARILIN ANG KAAWAY SA TIGAYON, KALIBO

ulat ni Achie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo


Arestado ang isang 31-anyos na lalaki matapos barilin ang  nakaalitan sa brgy. Tigayon, Kalibo.

Kinilala ang suspek sa pangalang Gary Isberto, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ang biktimang si John Lester Baldisimo, 28 anyos, residente rin ng kaparehong barangay, ay nagtamo ng tama ng pagbaril sa paa at sa dibdib.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa tungkol sa mabahong pwesto ng biktima sa talipapa. Nagalit ang biktima hanggang sa nasipa at nasuntok nito ang suspek.

Sa galit ng suspek ay bumunot ito ng baril at pinaputukan ang biktima.

Patuloy pang nakaconfine sa opsital ang biktima samantalang ikinulong naman sa Kalibo Municipal PNP Station ang suspek para sampahan ng kaukulang kaso.

No comments:

Post a Comment