Friday, June 23, 2017

FETUS NA NAKASILID SA GARAPON NATAGPUAN SA ISANG BAKURAN SA LIBACAO

Natagpuan sa isang bakuran ang isang fetus na nakalagay sa garapon sa brgy. Poblacion, Libacao, kahapon.

Ang garapon ay aksidenteng nahukay matapos ipaayos ng isa sa mga nakatira sa compound ang kanilang CR.

Ayon sa mga kapulisan, posibleng nasa limang buwan na sa sinapupunan ang nasabing fetus na nasa state of decomposition na.

Una nang dinala sa health center ang nasabing mga garapon samantalang nakatakda rin itong ipasuri sa mga taga-Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Libaco police station kaugnay rito.

No comments:

Post a Comment