Isinusulong ngayon ng pmahalaang lokal ng Kalibo na maging
sister-museum ang Valenzuela museum.
Unan nang pinuri ni committee chair on tourism SB member
Philip Kimpo Jr., ang Valenzuela museum sa pamamagitan ng pagpasa ng isang
resolusyon sa Sanggunian.
Ito ay kasunod ng kanyang pagbisita sa nasabing lugar bilang
bahagi ng kanilang lakbay-aral sa Sanggunian.
Sinabi pa ni Kimpo, na isa rin sa mga volunteer member-curator
sa Museo it Akean, na ang Kalibo at ang Valenzuela City ay mayroong koneksyon
sa kasaysayan dahil kay Candido Iban.
Si Iban na isang Aklanon ay nag-donate ng napanalunang pera sa
Katipunan na ginamit na pambili ng printing machine para palawakin ang kanilang
propaganda.
Pero si Dr. Pio Valenzuela na isa ring utak ng Katipunan at
manunulat ang naging dahilan kung bakit narekord ang nagawang kabayanihan ni
Iban sa kasaysayan ng bansa.
Kaugnay rito, interesado rin ang Valenzuela City na
magpalitan ng exhibit sa Kalibo sa kani-kanilang museum.
No comments:
Post a Comment