ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Patay ang isang 21 anyos na lalaki makaraang magbigti sa
loob ng kuwarto sa kanilang bahay sa Sta. Cruz-Bigaa, Lezo; isa sa tinuturong
motibo ay kabiguan sa pag-ibig.
Kinilala ang biktima na si "Romeo", residente ng
nasabing lugar.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo sa ama, natagpuan nalamang
niya kaninang umaga na nakabitin na sa kanyang kuwarto ang biktima gamit ang
lubid at wala ng buhay.
Narekober sa higaan ng biktima ang isang notebook na
naglalaman ng kanyang sulat-kamay sa 18-anyos na nobya. Nakasaad rito ang
kanyang sama ng loob sa pagpalit umano sa kanya ng babae sa iba.
Ayon sa pamilya ng biktima, nasa tatlong taon narin umanong
magkarelasyon ang biktima at ang nasabing babae.
Burado naman ang lahat ng text messages sa cellphone ng
lalaki maging ang mga tawag rito.
Wala namang iba pang nakikitang dahilan ang pamilya para
gawin ito ng biktima. Katunayan ay mabait umano ang lalaki at wala namang
problema sa bahay.
Kinumperma naman ng Lezo municipal police station na walang
foul play sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment