Ayon kay tourism officer Rhea Rose I. Meren, ang mga
miyembrong ito ng Kalibo Tricycle Drivers and Guides Association (Katridga) ay
sumailalim na sa mga pagsasanay bilang tour guide.
Sinabi pa ni Meren na ang mga drivers na ito ay binigyan ng
sariling uniporme at accreditation stickers para madaling makilala ng mga
turista.
Dagdag pa ng tourism officer na ang mga tricycle driver ay
nagsisilbi nang front liners ng mga turista dahil tricycle ang kadalasang sinasakyan
sa pag-iikot sa Kalibo.
Nabatid na kabilang sa mga tour packages ay ang Kalibo
Tigayon Hill, Museo it Akean, Kalibo Eco-Bakhawan Park, Kalibo Cathedral at
ilang mga pasalubong shops dito.
Sinabi pa ni Meren na ang mga driver na ito ay mananatili sa
Kalibo International Airport, Kalibo Tourism and Cultural Affairs Division
(TCAD) at sa iba pang mga accommodation establishments sa Kalibo. - PNA
No comments:
Post a Comment