ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Ito ang kuwentong ng 20 anyos na lalaking Korean National na
ninakawan ng mamahaling cellphone ng isang lady boy o bading Lunes ng umaga sa
Isla ng Boracay.
Kuwento ng biktimang si Kim Do Yun sa Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC), nakilala niya ang suspek sa isang bar dakong
alas-4:00 ng umaga. Dito siya inalok ng bading
ng masahe.
Dinala ng Koreano ang bading sa hotel na tinutuluyan niya sa
Brgy. Balabag sa nasabing isla. Dahil walang maipakitang ID, kinunan nalang ng
ritrato ang bading upang makapasok sa hotel.
Habang nasa kuwarto, nagpamasahe at nakipag-inuman ang
turista sa bading at matapos nito ay inihatid pa sa elevator. Bumalik naman ang
Koreano sa kuwarto para matulog dala ng sobrang kalasingan.
Pagkagising ng Koreano, laking gulat niya na nawawala na ang
kanyang cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng Php35,000.
Sa pag-usisa sa kuha ng CCTV footage, nakita ang bading na
bitbit na ang cellphone ng Koreano.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa
kasong ito.
No comments:
Post a Comment