ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Walong kalalakihan ang inaresto ng mga tauhan ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC)
Martes ng madaling araw makaraang mahuling
naglalaro ng pusoy sa So. Manggayad, Brgy. Balabag, sa isla ng Boracay.
Ayon sa report, nakatanggap umano ng impormasyon ang hepe ng
BTAC na si PSInsp. Jess Baylon na may iligal na pagsusugal sa roptop ng Family
Mart sa nasabing lugar.
Matapos sumailalim sa surveillance, malinaw na nakita ng mga
awtoridad ang mga grupo ng kalalakihan na naglalaro ng pusoy.
Dito na pumasok ang mga awtoridad at inaresto sina Jerson
Daing, Benjamin Sta. Maria, Joniel Traifalgar, Syrel Cris Gendraya, Joban
Maquiling, Fernan Albando, Art John Derla, at Vicente Sta. Maria, lahat nasa
legal na edad at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.
Nakumpiska rin ng mga kapulisan ang mga playing card,
blanket, at bet money na nagkakahalaga ng Php813.75.
No comments:
Post a Comment