Showing posts with label Boracay Casino. Show all posts
Showing posts with label Boracay Casino. Show all posts

Tuesday, August 14, 2018

ANUMANG CASINO HINDI PAPAYAGANG MAG-OPERATE SA BORACAY

Tiniyak ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi papayagang mag-operate sa isla ng Boracay ang anumang casino oras na ito ay muling buksan sa publiko.

Ito ang naging bahagi ng talumpati ng kalihim sa isang business forum na ginawa sa World Trade Center sa Pasay City.

Ayon kay Puyat, ang kanyang naging pahayag ay kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihing casino-free ang Boracay.

Dagdag pa ni Puyat, inatasan rin ng pangulo ang DOT na ipasara ang mga casino na nakatayo sa isla.

Inaasahan na muling bubuksan para sa publiko at mga turista ang Boracay sa October 26 matapos itong ipasara upang malinis at ma-rehabilitate.

read more >> http://radyo.inquirer.net/…/anumang-casino-hindi-papayagang…

Thursday, August 02, 2018

PAGTATAYO NG CASINO SA BORACAY, KONTRA SA GOOD MORALS – ROQUE

Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa lahat ng dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Boracay island.

Pero ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang public policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayagan ang pagkakaroon ng casino sa isla.

“Well I think what the President has said is that he will not allow casinos. All other
investments are otherwise welcome into Boracay,” ani Roque.

Paliwanag ni Roque, labag sa good morals ang casino dahil nanghihikayat lamang ito ng masamang bisyo partikular na ang pagsusugal.

Matatandaang binalaan na ng Malakanyang ang Leisure and Resorts World Corporation at Galaxy Entertainment Group Limited na huwag subukan ang political will ng pangulo at huwag pilitin ang pagbubukas ng casino kahit na mayroong provisional license dahil tutol ang punong ehekutibo sa pagkakaroon ng pasugalan sa isla.

Read more: http://radyo.inquirer.net/…/pagtatayo-ng-casino-sa-boracay-…
Image may contain: ocean, sky, outdoor, nature and water

Saturday, April 07, 2018

CIMATU TUTOL SA CASINO PROJECT SA BORACAY

Hindi aprubado ni Environment Secretary Roy Cimatu ang planong pagpapatayo ng 23 ektaryang casino sa Boracay.

Ayon kay Cimatu, maraming ibang lugar na pwedeng pagtayuan ng casino.

Ang Boracay anya ay hindi ang uri ng lugar para sa casino dahil limitado ang kapasidad ng isla.

Iginiit din ng kalihim ang layon ng gobyerno partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maibalik ang sikat na tourist destination sa dati nitong ganda.

Sinabi pa ni Cimatu na wala silang natatanggap na hiling sa permit para sa konstruksyon ng casino sa Boracay at nagulat sila sa balita na sinimulan na umano ang pagtatayo nito.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Cimatu sa nasabing plano dahil wala naming lumalapit sa kanilang mga negosyanteng Chinese.

Gayunman, ayon sa kalihim, kapag natuloy ang plano ay kailangang sumunod ang casino project sa environmental regulations.

Una rito ay nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license sa Macau-based company Galaxy Entertainment at Filipino partner nito na Leisure and Resorts World Corp./ Radyo INQUIRER

Tuesday, March 27, 2018

DENR, DOT PAGPAPALIWANAGIN SA BORACAY CASINO

Casino in Macau
Ipinagtataka ni Senator Nancy Binay ang pagbibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license to operate sa mega-casino sa Boracay sa gitna ng planong pagpapasara sa isla.

Sa impormasyon, nilagdaan na ng PAGCOR ang provisional license para sa $500-million integrated casino-resort ng Leisure and Resorts World Corp. (LRWC) at ng foreign partner nitong Galaxy Entertainment Group.

Tutol si Binay sa pagtatayo ng casino sa Boracay kasabay ng muling paggiit na dapat magpatupad ng moratorium sa anumang konstruksyon sa isla, na pinagpaplanuhang isara ng ilang buwan para ayusin.

Bukod sa Galaxy, nakatakda ring magtayo ng hotel na may 1,000 kuwarto sa isla ang Double Dragon Properties Corporation.

Sinabi ng senadora na magpapatawag naman muli sila ng pagdinig para pagpaliwanagin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) sa planong konstruksyon./ Radyo INQUIRER

ITATAYONG MEGA CASINO SA BORACAY IIMBESTIGAHAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG AKLAN

Iimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang kontrobersyal na $500 million mega casino resort na itatayo sa Isla ng Boracay.

Kasunod ito ng pahayag ni SP member Nemisio Neron na posibleng may kurapsyon sa pagbili ng lupa na pagtatayuan nito.

Layunin umano ng imbestigasyon na alamin kung sino ang nagbenta ng lupa at kung sino ang may-ari nito.

Nanindigan si Neron na ang sugal ay nakakapinsala sa moralidad ng indibidwal at ugnayang pamilya. Pwede rin umano itong maging sanhi ng katamaran at iba pang bisyo kagaya ng droga.

Aalamin rin kung ito ay dumaan sa public consultation. Giit ni SP member Soviet Dela Cruz, kailangang mayroong social acceptability rito.

Sinabi naman ni SP member Esel Flores, hindi na kailangan pa ng ganitong casino dahil masikip na umano ang Boracay sa dami ng turista.

Ipapasama rin ni Vice Governor Reynaldo Quimpo sa imbestigasyon ang umano'y umiiral na na mga casino sa isla.

Dahil rito pursigido ang Sanggunian na ipatawag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCor), at ilan pang may kinalaman sa proyekto o sa likod nito.

Noong nakaraang linggo ay pinirmahan na ng PAGCor ang provisional permit ng Galaxy Entertainment na mag-ooperate ng Casino sa isla. Planong simulan ang pagtatayo nito sa 2019.

Inirefer ang usaping ito sa mga committee on laws, games and amusement at tourism.