Wednesday, March 13, 2019

Bus bumangga sa punong kahoy sa Ibajay, mga pasahero sugatan


KALIBO, AKLAN – Sugatan ang walo lahat na pasahero ng isang bus liner matapos itong bumgga sa punong kahoy sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Colong-Colong, Ibajay kaninang umaga.

Batay sa paunang ulat ng Ibajay Municipal Police Station, ang nasabing bus ay byaheng Culasi, Antique patungong Kalibo na direksyon nang bumangga ito sa puno.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan may iniwasan umanong tricycle ang bus at nawalan ito ng kontrol sa menamanehong sasakyan.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Paterna Rones, 62-anyos; Divine Elizabeth Rones, 15; parehong residente ng Brgy. Agbago, Ibajay; Gina Pelispuro, 37; Adelydie Bacaluna, 59; parehong residente ng Brgy. Bat-batan, Culasi, Antique; Juan Zoreen, 28 ng Sta. Fe, Romblon; Jovelyn Solomon, 24 ng Patnongon, Antique; Oliver Bugoy, 26 ng Brgy. Nauring, Pandan, Antique at Joseph Pateño, 51 ng Candari, Antique.

Ang mga nasagutan ay agad dinala sa Ibajay District Hospital para sa kaukulang paggamot.

Tumakas umano ang driver at ang konduktor sa takot na kuyugin ng mga tao.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa aksidente.##

No comments:

Post a Comment