Wednesday, January 10, 2018

PINANINIWALAANG MIYEMBRO NG SALISI GANG UMATAKE SA MAKATO PUBLIC MARKET; SUSPEK PINAGHAHANAP NA NG MGA AWTORIDAD

Pinaghahanap ngayon ng mga kapulisan ang lalaking ito na nakunan ng close circuit television matapos pagnakawan ang isang tindahan sa Makato Public Market.

Nitong Linggo, nagreklamo sa tanggapan ng Makato PNP ang negosyanteng si Luzvimenda Regalado na nakawan umano siya ng di pa nakikilalang suspek.

Salaysay ng biktima, pumasok umano ang suspek sa kanyang tindihan para bumili ng shampoo sa manok. Nagkakahalaga ng Php90 ang kanyang binili at sinuklian siya ng biktima ng Php910.

Ilang sandali ay bumalik umano ang suspek sa kanyang pwesto at sinabing Php500 lamang ang ibinigay niyang pera. Sinabi pa niya na may dugo ang perang ibinayad niya bilang palantandaan.

Nag-alala naman ang biktima at naging abala sa paghahanap sa naturang pera. Nalaman nalang niya kalaunan na nawawala na ang kanyang Php20,000 at pinaniniwalaang natangay ng suspek.

Mabilis namang nakaalis ang suspek sa lugar.

Nanawagan naman ang Makato PNP na kung sinoman ang nakikilala sa lalaking ito na pinaniniwalaang miyembro ng salisi gang ay magreport lamang agad sa mga kapulisan.

No comments:

Post a Comment