ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Muling magsasagawa ng “Balik-Eskwela Diskwento Sale” ang Department of Trade and Industry (DTI) – Aklan ngayong buwan ng Mayo.
Sa Mayo 23, ang DTI-Aklan ay magsasagawa ng nasabing proyekto sa covered court ng Poblacion, Altavas; sa Mayo 25 sa covered court ng Poblacion, Nabas; sa Mayo 26 naman ay sa Tangalan public market.
Ayon sa DTI-Aklan, layunin ng proyektong ito ang mabigyan ng agaran at abot-kayang halaga ang mga estudyante at mga magulang sa mga school supplies at iba pang kagamitan sa paaralan.
Maliban sa mga gamit at pangangailangan sa eskwela, makakabili at makakapili rin ang taumbayan ng mga pangunahing bilihin sa presyong may deskwento.
Nabatid na 21 distributor at retailer ang inimbitahan ng DTI para sa nasabing caravan na magbibigay ng nasa limang hanggang sampung porsyento deskwento sa presyo ng mga bilihin.
Ang klase ay magbubukas sa mga pampublikong eskwelahan sa Hunyo 5.
No comments:
Post a Comment