ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Binigyan ng quota na Php1.8 bilyon ang Bureau of Internal
Revenue-Kalibo sa kanilang koleksyon ngayong taong 2017.
Sa isang panayam, sinabi ni BIR Kalibo acting district head
Alexander Laroza na kumpyansa siyang maabot nila ang target collection ngayong
taon.
Ang deadline para sa paghahain ng income tax return ay nagtapos
na kahapon. Ang lalagpas rito ay papatawan ng karagdagng 25% na multa sa
bayarin.
Nitong Pebrero, nakakolekta na ang kanilang tanggapan ng nas
Php20 milyong buwis.
Samantala nagpaalala naman si Laroza sa mga mamimili na
magdemand ng resibo sa mga establisyemento na pinagbibilhan nila.
Sa ganitong paraan ay makakatulong ang mga mamamayan para
makasingil sila ng tamang buwis sa mga negosyante at iba pang mga establisyemento.
No comments:
Post a Comment