Iminungkahi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na araw-arawin ang checkpoint sa buong probinsiya ng Aklan upang mabawasan ang mga aksidente sa kalsada.
Ito ang sinabi ni Galo Ibardolaza, PDRRM Officer, sa panayam ng Energy FM Kalibo. Ayon sa kanya, nakakabahala na umano ang halos araw-araw na mga aksidenteng ito sa probinsiya.
Kaugnay rito, plano ni Ibardolaza na ipaabot sa mga kinauukulan ang kanyang mungkahi kabilang na sa mga opisyal ng kapulisan sa Aklan.
Imunungkahi rin niya sa mga lokal na mambabatas kung maaaring gawan ng ordenansa ang paglilimita ng pagbebenta ng mga motorsiklo sa mayroon ng lisensiya sa pagmamaneho.
Karamihan umano sa mga aksidenteng ito na nirerespondehan ng PDRRMO at MDRRMO ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo. Dahil umano ito sa mga reckless driver at karamihan ay nakainom.
Kapansin-pansin rin anya na marami sa mga naaaksidente sa mga motorsiklo ay walang proteksyon sa katawan kabilang na ang helmet na nauuwi sa pagkasawi ng iba.
Paalala niya sa mga motorista, maging maingat sa pagmamaneho, sumunod sa batas trapiko at iwasang magmaneho ng nakainom para iwas disgrasya.
Thursday, April 12, 2018
Saturday, April 07, 2018
DENR, NAG-ISYU NG SHOW CAUSE ORDER LABAN SA 900 BORACAY ESTABLISHMENTS
Aabot sa mahigit 900 estbalishment sa Boracay island na nakitaan ng paglabag ang inisyuhan na ng show cause order ng Department of Environment and Natural Resources.Ayon kay Environmental Undersecretary Jonas Leones, sakop nito ang mga resorts at hotels sa forestlands at wetlands. Under evaluation na umano ang mga ito at kung hindi susunod ay mahaharap sa posibleng demolition.
Nilinaw naman ni Leones na sa loob ng 6 buwan lang din ang pagsasara ng mga establisyemento.
Humingi na rin umano sila ng paliwanag at mga kinakailangang dokumento sa mga ‘violator’ kaugnay dito.
Dagdag pa ni Leones, na namomroblema ang ahensya kung paano ilalabas ang mga basura sa isla. Nasa 90 hanggang 115 tons ang dami ng mga basura sa Boracay pero nasa 30 hanggang 50 tons lang ang nakukuha dito.
Nabatid na hindi uubra ang phase by phase approach kaya 6-month closure ang nirekomenda sa Boracay.
Samantala, Iniimbestigahan din ang ahensya ang kanilang sariling hanay para malaman kung may kailangan bang managot dahil sa alegasyon ng katiwalian at kapabayaan sa ahensiya.
Nito lang Pebrero, matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool” o imbakan ng dumi ang islang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo./ Radyo INQUIRER
CIMATU TUTOL SA CASINO PROJECT SA BORACAY
Hindi aprubado ni Environment Secretary Roy Cimatu ang planong pagpapatayo ng 23 ektaryang casino sa Boracay.Ayon kay Cimatu, maraming ibang lugar na pwedeng pagtayuan ng casino.
Ang Boracay anya ay hindi ang uri ng lugar para sa casino dahil limitado ang kapasidad ng isla.
Iginiit din ng kalihim ang layon ng gobyerno partikular ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maibalik ang sikat na tourist destination sa dati nitong ganda.
Sinabi pa ni Cimatu na wala silang natatanggap na hiling sa permit para sa konstruksyon ng casino sa Boracay at nagulat sila sa balita na sinimulan na umano ang pagtatayo nito.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Cimatu sa nasabing plano dahil wala naming lumalapit sa kanilang mga negosyanteng Chinese.
Gayunman, ayon sa kalihim, kapag natuloy ang plano ay kailangang sumunod ang casino project sa environmental regulations.
Una rito ay nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license sa Macau-based company Galaxy Entertainment at Filipino partner nito na Leisure and Resorts World Corp./ Radyo INQUIRER
Subscribe to:
Posts (Atom)
