Showing posts with label Iloilo. Show all posts
Showing posts with label Iloilo. Show all posts

Tuesday, September 05, 2017

14 ANYOS NA BINATILYO SA ILOILO NI-RAPE AT PINATAY NG ISANG BADING

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Inaresto na ng PNP ang bading na ito na kinilala sa pangalang Radin Gonzales alyas Smile matapos gahasain at patayin ang isang 14 anyos na lalaki sa Balasan Iloilo.

Napikon raw ang suspek sa biktima matapos sabihan na malaki ang katawan pero bakit naging bakla. 

Kaya ito raw ang dahilan kung bakit nagawa niya ang krimen. 

Aminado rin ito na bangag siya ipinagbabawal na droga nang gawin ang pagpatay sa biktima.

Monday, June 19, 2017

MAASIN POLICE STATION PINASOK NG MGA REBELDENG GRUPO; MGA ARMAS AT PATROL CAR TINANGAY

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Niraid ng nasa 50 pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang Maasin Police Station sa Ilolio dakong alas-10:45 ng umga kanina.

Sapilitang nakuha ng grupo ang walong M16 armalite rifle, apat na glock 9mm, limang handheld radio, isang base radio, Php25,000 na pera, dalawang laptop, mga alahas at isang hilux patrol car na pawang pagmamay-ari ng pamahalan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang grupo sakay ng dump truck o canter at ang ninakaw na patrol car patungong mabundok na bahagi ng Alimodian, Iloilo.

Ayon sa report ng Regional Police Office (PRO) 6, wala namang naiulat na nasugatan sa tropa ng Maasin municipal police station.

Kinondena naman ng PRO6 ang nasabing insidente na nagdulot ng takot sa mga mamamayan rito.

Iniutos na ng regional director ng pulisya sa Iloilo provincial police office ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga naturang myembro ng CPP/NPA.

Kinondena rin ng alkalde ang nangyari, mga faith base organization at ng taumbayan sa pagsira sa kanilang mapayapang pamumuhay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigaston hinggil sa nasabing insidente.