Pinadi-dismiss na sa serbisyo ang limang opisyal ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Aklan kasunod ng decision
ng Deputy Ombudsman for the Visayas dahil sa kasong extortion.
Sina PENRO Ivene Reyes, Jonnie Adaniel, Alvaro Nonan, Nilo
Subong at Cesar Guarino ay sinampahan ng kaso administratibo matapos manghingi
ng kalahating milyon sa kanilang kliyente.
Ayon sa reklamo ni Lucia Malicsi-Helaria, ang hininging pera
ay kapalit umano ng certification ng propedad niya sa bayan ng Malay bilang alienable
at disposable.
Kaugnay rito, ilang ‘concern DENR PENRO-Aklan personnel’ ang
sumulat kay Jim Sampulna, regional director ng DENR, na palitan na ang mga ‘corrupt’
na opisyal.
Paliwanag nila sa kanilang sulat, dismayado umano sila, na-‘low
morale’ at nawalan ng ganang magtrabaho dahil sa bahid ng korapyson sa kanilang
tanggapan.
Pinagtatakpan pa umano ng regional management si Reyes at
ang mga kasamahan niya at nananatili parin sa kanilang pwesto sa kabila ng
desisyon ng Ombudsman noon pang Agosto.
“Sir, marami pang corruption ang nangyari dito sa amin na
hindi pa ninyo pinaiimbestigahn at binigyan ng pansin,” bahagi pa ng sulat na
may petsang Nobyembre 13.
Ang kopya ng sulat ay ipinadala rin sa tanggapan ni
Pangulong Rodrigo Duterte, DENR secretary Roy Cimatu, Ombudsman for the
Visayas, dalawang istasyon ng radyo sa Iloilo at ang himpilang ito.
No comments:
Post a Comment