Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Pinasiguro ngayon ng bagong talagang officer in charge ng
Provincial Environment Natural Resources Office (PENRO) - Aklan ang
transparensiya sa kanyang liderato.
Si Bernabe “Bing” Garnace ay nagsimulang maupo nitong Lunes
kapalit ng na-dismiss na si dating PENRO Ivene Reyes dahil sa kasong extortion
na kinsasangkutan niya.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, nais niya na maayos ang isyu
ng kurapsiyon sa kanilang tanggapan. Kaugnay rito, nanawagan siya ng
pagtutulungan at pagkakaisa sa kanyang mga kasama sa PENRO.
Si Garnace ay tubong Roxas City, Capiz at huling naglingkod
bilang CENRO sa Mambusao sa kanilang probinsiya. Nagtrabaho rin siya sa
tanggapan ni DENR regional director Jim Sampulna.
Kamakailan lang ay lumihaw ang ilang mga tauhan ng
PENRO-Aklan kay Sampulna na bigyan sila ng isang opisyal na walang bahid ng
kurapsyon at may malinis na pagkatao.
No comments:
Post a Comment