Monday, October 31, 2016

Lalaking nakamotor nahagip ng kasalubong na taxi, patay

NI ARCHIE HILARIO, ENERGY FM 107.7 KALIBO

Patay na nang datnan ng rumespondeng pulis ang isang motorista sa Brgy. Ondoy, Ibajay matapos na mahagip ng rumaragasang taxi.

Sa imbestigasyon ng Ibajay PNP Station, mabilis raw ang takbo ng taxi kaya nahagip nito ang kasalubong na motorista.

Sa tindi ng pagkakahagip ay naputol ang kanang paa at nagkaroon din ng malaking mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng biktimang si Ricardo MiƱa, 34-anyos, at residente ng Brgy. Ondoy, ibajay ,Aklan.

Naisugod pa sa Ibajay District Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Samantala sumuko namang sa pulisya ang driber ng taxi na may plate number na FWW 378 na si Rosevelt Florencio, 38-anyos, taga Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo,Aklan.

Ayon sa imbestigador ng Ibajay Pnp na si P01 George Regalado, nasa tamang lane naman raw ang taxi nang maganap ang aksidente base raw sa mga nakasaksi.

Sa ngayon ay pinalabas na ng selda ang drayber ng taxi dahil may naganap na raw na pag-uusap sa gitna ng dalawang panig.

No comments:

Post a Comment