Showing posts with label Phivolcs-Aklan. Show all posts
Showing posts with label Phivolcs-Aklan. Show all posts

Saturday, June 02, 2018

AKLAN NIYANIG NG LINDOL?

Kinumpirma ni Jo Arlo Zabar ng Phivolcs-Aklan na nakaranas ng mahinang pagyanig ng lupa ang ilang bayan sa Aklan.

Kabilang umano sa mga ito ang Isla ng Boracay, Malay, Buruanga, Ibajay at Nabas.

Anya epekto ito ng lindol na naransan sa Romblon alas-5:28 ng umaga ngayong araw na may lakas na 4.0 magnitude.

Ang mga lugar na nabanggit anya ay malapit o daanan ng fault line.

Wala nama anyang naiulat na nasaktan sa nasabing paggalaw ng lupa sa Aklan.

Wednesday, October 25, 2017

BUNDOK SA LIBACAO PUMUTOK?!

Palaisipan parin ang nangyaring pagputok ng lupang ito sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Dalagsaan, Libacao noong Biyernes.

 Sa kabila nito nilinaw ni Mr. Jo Arlu Sabar ng Phivolcs-Aklan na walang bulkan sa Aklan.

 Pansamantalang lumikas ang ilang tao sa lugar matapos masira ang kanilang mga bahay.

 Wala namang naiulat na nasaktan sa hindi pa maipaliwanag na penomena.