Friday, May 10, 2019

Auxiliary police sa Kalibo sugatan ng hampasin ng bote sa ulo

Sugatan ang miyembro ng Kalibo Auxiliary Police (KAP) na si Pepito Zapuez matapos hampasin ng bote ng di pa nakikilalang suspek sa loob ng Gold Cross KTV Bar.

Naganap ang insidente bandang alas 3:00 ng madaling araw.

Kwento ng KAP sa pulisya natutulog raw siya sa loob ng bar nang hampasin ng suspek.

Nagtamo ng sugat sa ulo at baba ang biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang suspek!

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment