Tuesday, February 26, 2019

Bantay-salakay: hotel sa Boracay ninakawan ng guwardiya

photo Malay PNP
KALIBO, AKLAN – Pinaghahanap ngayon ng kapulisan ang isang guwardiya makaraang pagnakawan ang pinagtratrabahuhang hotel sa Station 3 sa Brgy. Manocmanoc, Isla ng Boracay.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Albert Dahil-Dahil tubong Bacolod, Negros Occidental.

Batay sa salaysay ni Joefrey Layto, 24-anyos, front officer ng hotel, naganap ang insidente mag-aalas-dos ng madaling araw ng Lunes.

Aniya nag-CR lamang siya nang pagbalik nito ay napag-alamang nawawala na ang pera sa loob ng drawer. Natangay umano ang Php46,500; 170 Renminbi; at 200 US dollar.

Nang usisain ang kuha ng CCTV ay nakita roon ang suspek.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Malay PNP pero napag-alaman na nakatawid na mula sa Isla ang suspek batay sa kuha ng CCTV sa Cagban Jetty Port.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment