Monday, January 01, 2018

BAHAY SA BALETE NASUNOG; 2 PATAY, 2 SUGATAN

Dalawa ang patay samantalang dalawa ang sugatan sa nangyaring sunog sa isang bahay sa Brgy. Arcanghel Sur, Balete Sabado ng gabi, Dec. 30.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection ng Balete ang mga namatay na sina Andrea Mae, tinatayang 18 anyos at Aaron Lachica, 12, magkakapatid.

Sugatan naman ang ama nila na si Mang Angel at isa nilang kapatid na si Angela na kasalukuyang ginagamot ngayon sa ospital.

Ang asawa ni Mang Angel ay nasa trabaho sa Kalibo nang maganap ang insidente.

Sa inisyal na impormasyon, posibleng gasera na nagsisilbing ilaw ng bahay ang pinagmulan ng sunog. Nabatid na may kapansanan ang ama at mga anak nito.

Mabilis na nilamon ng apoy ang bahay na yari lamang sa mga lights materials bago naireport sa mga awtoridad.

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP-Balete ang naturang insidente.

No comments:

Post a Comment